Ano-ano nga ba ang nasa cookery


Ano nga ba ang nasa cookery?   
   Ang alam ng lahat ay ito’y pagluluto. Oo ito’y pagluluto pero marami kayong hindi pa alam tungkol sa cookery. Pagsinabi nating cookery ang pumapasok sa isip ng iilan ay napakadali lang nito pero kung susubukan mong pag-aralan patungkol sa pagluluto ay tiyak na malalaman mo talaga. Sa cookery ay marami kang makukuha na binipisyo na pwede mong gamitin sa pang araw-araw na mga gawain sa kusina na natutunan mo. Sa tingin niyo ba ay kapag alam mo paano magluto ay oky na? Napakarami mo pang pagdadaanan marami ka pang dapat  matutunan marami ka pang matutunghayan na ibat-ibang klaseng mga lutuin. Sa cookery bago kayo magluluto ay dapat kompleto ang iyong kagamitan para mapanatili ang kalinisan at hindi mahawaan ang niluluto mong pagkaon. Mga halimbawa ng kailangan mong kagamitan bago ka mag luto. HAIRNET, APRON kung wala kayung CHIEF APPAREL kung maron namn kayong CHIEF APPAREL ay pwede niyo yung gamitin pagkayo’y magluluto na. Pangalawang dapat niyong malaman ay dapat mong kabisaduhin/kilalanin yung mga kagamitan at kasangkapan na iyong gagamitin sa pagluluto. Kung anong mga gamit nito sa pagluluto dapat alam niyo kung anong mga gamit nito sa kusina para mas mapadali ang inyung pagsasagawa ng inyung lulutuin. Kunwari kung hindi mo kabisado ang mga kagamitan sa kusina siguradong mahihirapan ka sapagkat malilitu ka sa gagamitin mong mga kagamitan sa pagluluto at mas mahihirapan ka kung ikaw ang kukuha ng mga kagamitan na nakasulat sa binigay sayong papel . Sa totoo lng may mga pagkakataon talaga na  tatanungin ka kung anong ginamit at mga proseso sa pagluluto. Dapat mo ring malaman kung paano ang angkop na paghuhugas ng mga pinggan. Angkop na paglilinis ng gapaligiran sa kusina para hindi mahawa ang mga pagkain. Kapag magluluto ka siguraduhin mong maayos ang iyong pagkakaluto ang ibig sabihin ay dapat naluto talaga yung karne o mga pagkain sa dagat para maayos mong napresenta at makakaiwas ka pa sa pagkakalason ng iyong mga kustumer siguradong babalik balik yung mga kustumer mo. Kapag magluluto ay dapat niyong pag aralan ang mga lulutuin niyo kailangan niyong isaulo ang mga pamamaraan kung paano niyo isagawa ang pagluluto. Tiyakin ninyo ang mga lasang nababagay sa iyong niluluto mga sahug na mas mapapasarap ang lasa ng lulutuin. Kapag sa cookery ay dapat ay disiplinado ka sa kusina at mataas ang inyong pasensya. Alam mo kung bakit kasi may pagkakataon kasi na masusubukan ang iyang pagkakatatag dapat tanggapain mo yung mga komento ng mga tao tungkol sa iyong pagluluto. Para alam mo yung dapat mong idagdag pa sa iyong nilutong putahe. Minsan makakaranas ka ng pagkaka dismaya dahil ginawa mo na lahat sa pagluluto pinagsikapan mo talaga pero may pagkakataon talaga na makakaranas ka ng ganyan. Kung ayaw mo naman na madismaya isa lang masasabi ko pagsikapan mo at magpakasaya ka habang sinasagawa niyo ang pagluluto kung hindi naman perpekto ang lasa ng iyong luto sa taga tikim. Makinig ka sa sasabihin nila wag mong babaliwalain ang mga komento nila dahil sa susunod mong pagluluto alam mo na kung ano yung mga tama. Kung may masabi man silang ikakasama ng loob mo dahil sa kumento nila sa luto mo wag mo itong damdamin. Tanggapin mo nalang lahat ng mga sinabi nila. Pag sa cookery marami ka talagang pagdadaanan bakit? Sapagkat makakasalamuha ka ng mga ibang tao na iba-iba ang panlasa at pananao sa pagluluto. May mga tao kasing hindi makaka appreciate ng luto mo o ginawa mong paghahanda ang importante kasi sa kanila ang lasa ng putahe. Meron ring mga taong kahit gaano karami man ang mali mo ay tatanggapin parin nila dahil nakita nila ang iyong determinasyon sa pagluluto. Sa cookery masusubok talaga ang iyong memorya sa pagsasaulo ng mga sangkap na nababagay sa iyong gusting lutuin at sa pagsasaulo ng mga paraan sa pagluluto na hindi talagapwedeng mawawala. Diba napag usapan natin ang pagmemorya dito tayo sa mga halimbawa na dapat nating wag kalimutan kapag ikaw ay nasa cookery. Wag mo talagang kalimutan ang batayan sa paghiwa. Mga halimbawa nito ay Chiffonade, Juliene, fire julienne, bottonnet, medium dice, smalldice, brunoise, fire brunoise, mince, slices, diagonal, obligue. Wag mo ring kalimutan ang 4 na batayan sa kalupkop una ay underline, body, dressing, garnish ito ay dapat wag mo talagang kakalimutan dahil kasi dito ibabasi ang tamang pagplating ng iyong ipapasa o ihahain.  Dapat ay wag mong kalimutan na ihanda ang iyong sarili sa pagluluto. Wag mo ring kalimutan na tama tama lang ang paghahanda ng lulutuin para hindi masayang. Dapat ihanda lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto para tuloy tuloy ang iyong pagluto. Wag mo ring kalimutan na linisan ang mga kagamitan na iyong gagamitin sa pagluluto at hugasan ang mga sangkap kagaya ng gulay, isda, karne at iba pa. Isala ang mga karne at isda para hindi malansa at mawala ang mga naiwang mga dugo. Wag mo ring kalimutan na wag ilagay sa frezzer ang mga gulay. Sapagkat mag iiba ang kulay nito at malalanta. Wag mo ring kalimutan na gumamit ng apron at hairnet para walang mapunta na mga buhok sa niluluto niyo. Wag mo ring kalimutan na putulin ang matatalas niyong kuku dahil hindi natin alam may mga nakasuksuk pala na mga dumi. Napakahalaga na malinis tayo sa tuwing tayoy magluluto napakahalaga rin ang kalusugan ng kakain sa iyong niluto baka silay malason. Siguraduhing na maayos mong naluto ang iyong inihanda kagaya ng mga pagkain sa dagat dapat itoy niluluto talaga ng maayos. Marami kasing nalalason dahil hindi maayos ng pagkakaluto ng pagkain kagaya ng talaba kung hindi ito naluto ng maayos mga sintomas nito ay sasakit ang tiyan magtatae at maduduwal. Kapag mag hahain ka ng pagkain sa iyong custumer siguraduhin mong pang isang tao lang at mauubos rin ito. Wag mo ring kalimutan na dapat ay tiyakin mong muli kung kompleto ba ang iyong mga sangkap na gagamitin sa iyong pagluluto. Wag niyo ring kalimutan sa pang mayaman o pang rich kid na strand ang cookery. Walang pinipili ang strand na ito hanggat fashion mo yung pagluluto o kagustuhan mo talaga gagawa at gagawa ka talaga ng paraan na masupportahan mo lahat ng gastusin sa cookery. Alam natin na masyadong magastos ang strand na cookery at aminado  ako rito. Kayat ang iba ay mas pinili nila ang strand na cookery kahit na alam nila na mapapagastos sila. Diba mas pinili parin nila ang strand na cookery sapagkat dito sila Masaya at ito rin ang kanilang pangarap. Diba sabi nila pag saan ka masaya GO lang hanggang sa matupad mo ito pero bago ka mag GO ihanda mo ang iyong sarili  na harapin lahat ng responsibilidad na kaakibat nito. Marami kang masasalamuha isa na don ang leader niyong kurakot. Pangalawa naman ay yung kagrupo mong pabida kala mo alam niya na lahat. May mga tao rin na kaya nga tayo tinawag na grupo pra magtulungan may mga tao talaga na ayaw kang pakilusin tapos pag magkamali isasali ka kahit na wla ka namang ginawa matatawag mo lang talaga ang salitang grupo pag ang isa ay mapapalpak ng pagkakaluto kasi lahat kayo tatanungin. Sa bahay hindi ka naghuhugas pwes pag ika’y nasa cookery strand na makakaranas ka tagala ng taga hugas ng plato sabayan pa ng mansya sa apron o sa damit at mga amoy usok mong mga kagrupo at tagaktak pang pawis. Bago kayo nagluto malinis niyong na abutan ang kusina pagkatapos niyo ring gamitin ay dapat pag alis niyo ay malinis rin ito. Wag niyo ring kakalimutan na dapat kayong mag ingat sa tuwing kayo’y magluluto alam niyo ba may kaakibat rin itong kapahamakan kung hindi kayo mag iingat. Isa na run ang palaging nangyayari ay nasali mong nahiwa ang iyong daliri o madaplisan at kung magmamadali tayo hindi natin namalayan na mainit pa pala yung ginamit nating kawali at mapapaso talaga tayo. Kaya wag niyong mamaliitin ang cookery . Wag na wag niyong sasabihin na cookery lang? Uulitin ko wag niyong mamaliitin dahil napa kahirap talaga. Magmememorize ka pa ng ibat ibang klase ng kutsara’t mga tinidor alam nating nagpakaraming klase niyan. Ang hirap din kayang magmemorize ng mga table setting. Napakahirap ring magmemorize ng kagamitan sa kusina o mga tools at utensils , dinnerware , linens kung e search niyo pa sasakit talaga ang ulo niyo. Kung bakit malamang kasi napakarami nito hindi mo alam kung saan ka talaga magsisimula kasi lahat ng natutunan mo ay magagamit mo talaga hanggang sa makatapos kana ng pag aaral dapat ay wag mo talagang kalimutan kapag kasi cookery ang strand mo hindi mo talaga dapat kalimutan yung mga natutunan mo madadala na madadala mo yun hanggang sa ika’y magkakapamilya na at magagamit mo rin ito. Lahat ng kaalaman mo ay pwede mo ring ipasa, ekwento, sabihin sa iyong mga kamag anak o gumawa ng sariling page sa facebook na ilalahad mo lahat ng iyong nalalaman at mga alam mong makakatulong sa kanila o sa kanilang pag-aaral malalaman mo lang talaga kung paano ka hirap mag cookery kapag nag shift ka ng strand mo na akala niyo ay napakadali lamang nito.     


Comments